may piping hinaing ang litrato,
ng hubad na katawang
walang ulo.
walang bakas ng dugo
na naiwan sa sugpungan
ng mga buto.
ipinagkait ang liwanag,
sa matang inilibing
sa semento.
wala na rin ang tinig,
na minsang nagtanggol
sa mga kuliglig.
katahimikan ang musika,
sa taingang sinaksakan
ng bomba't granada.
wala na ang kanyang ulo,
kaya't si katarungan
hindi na bistado.
Thursday, September 20, 2007
Katawang Walang Ulo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ang laki na nang improvement mo bugoy.... keep it up! pang regal shocker tong tula mo ... naglalakad sa courtroom...hehhe
Post a Comment