Tuesday, September 18, 2007

Babala!

Magsusulat ka ba ng tula?

Huwag masyadong mahaba.
Baka mabagot ang nagbabasa
at di-maintindihan
ang tunay na paksa.

Susulat ka ng tula?

Huwag mong laliman
ang mga salita.
Baka mabasa ng paslit na bata
at di-maarok
ang iyong talinghaga.

Ano?
Susulat ka ba ng tula?

Huwag kang manuligsa!
Huwag mong pag-alabin
ang mga damdaming gutom
sa huwad na paglaya.
Ang tula ay sining
huwag mong gamitin
sa pagtataguyod
ng prinsipyong lasing!

Mag-isip ka...

Balak mo pa bang sumulat ng tula?

1 comment:

babybluebellebj said...

ito ang unang nabasa ko na gawa ni kuya!and i swear di ko nagustuhan yun babala nya dahil gusto ko makagawa ng tulang simboliko, na mapapaisip ko yun mambabasa kung ano ang gustong ipahiwatig ng mga titik ko...pero kung paano magsulat si kuya, hanga ako, lalo na yun pangalawa kong nabasa eh nafeature sa isang site... kaya yun!idolo ko na sya sa pagsulat ng tula and sabi nga po nya eh titser ko daw sya!yehey!partida yan!wala pang pormal na pag-aaral nyan sa pagsusulat!iba talaga pagtalent![ops, may karayom ako dito, para manusok sa ulong lumalaki!]hehehe!but at the bottom line!maganda lahat ng mga sinusulat nya!