may piping hinaing ang litrato,
ng hubad na katawang
walang ulo.
walang bakas ng dugo
na naiwan sa sugpungan
ng mga buto.
ipinagkait ang liwanag,
sa matang inilibing
sa semento.
wala na rin ang tinig,
na minsang nagtanggol
sa mga kuliglig.
katahimikan ang musika,
sa taingang sinaksakan
ng bomba't granada.
wala na ang kanyang ulo,
kaya't si katarungan
hindi na bistado.
Thursday, September 20, 2007
Katawang Walang Ulo
mga kaibigan
...ako si vener
buhay pa rin hanggang
11:10 PM
1 komento ng nagpapahalaga
Labels: tula
Tuesday, September 18, 2007
Kagat Sa Mansanas
bumagsak ang mansanas sa ulo ni Newton,
kumatok sa daigdig ang lamog na dunong.
mga dalubhasa't pantas inalipin ng agham,
nagmarka ang katas sa aklat ng kasaysayan.
hindi iilan ang naghangad,
kumagat sa mabunying prutas.
at hindi rin iilan ang nakisawsaw,
sa eksena nina Juno,Hera at Venus.
walang nakinig sa mga babala,
ng mga isinugo at mga propeta...
sa loob ng mansanas,
may nananahang ahas...
hindi magtatagal mabubulok ang mansanas,
tuluyang lalaya ang demonyong ahas.
ang Tore ni Babel ay muling itatatag,
at magsisilbing tungtungan ng mga mapaghangad,
at muling pipitas ng panibagong prutas...
...at duon sa dakong di-abot ng tanaw,
lumuluha si Adan habang nakadungaw.
pinagsisisihan ang kanyang sinimulan.
mga kaibigan
...ako si vener
buhay pa rin hanggang
7:39 AM
0
komento ng nagpapahalaga
Labels: tula